Ano nga ba ang salitang pangarap?
Ang pangarap ay isang mithiin na nais makamit ng isang tao. Maraming tao ang,
simula pagkabata pa lamang, ay mayroon nang nais na maabot na pangarap.
Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay maaaring magbago habang sila’y lumalaki.
Ikaw, bilang isang bata, may pangarap ka bang nais makamit?
Bilang isang bata na may matayog
na pangarap, marami akong gustong marating at matupad. Ngunit paano kung hindi
ito matupad? Iyan ang tanong na madalas tumatakbo sa aking isipan tuwing
napapaisip ako tungkol sa aking pangarap. Sa kabila nito, ako’y nananalig at
nagtitiwala sa aking sarili na kaya kong matupad ang mga ito.
Sa kabuuan, ang pangarap ay
nagsisilbing motibasyon ng isang tao upang magpatuloy sa buhay. Ang pangarap ay
isang mahalagang tulong upang matukoy ang direksyon ng kanyang hinaharap. Sa
huli, ang aking mensahe ay simple lamang: nawa’y makamit nating lahat ang ating
mga pangarap.
No comments:
Post a Comment