May mag-asawang naghangad na
magkaroon ng isang anak na babae. Noong ikatatlumpu ng Agosto taong dalawang
libo’t pito, pinagkalooban sila ng isang supling na babae na pinangalanan
nilang Lyka—isang malusog at masiglang sanggol. Lubos ang kasiyahan ng mag-asawa
nang masilayan nila si Lyka sa unang pagkakataon.
Lumipas ang ilang taon, lumaki si
Lyka bilang isang masayahin at palakaibigan na bata. Habang siya’y nagkakaisip,
madalas siyang magtanong sa sarili kung ano ang nais niyang maging paglaki.
Nang siya’y mag-senior high, napagtanto niyang gusto niyang maging chef o guro
sa hinaharap. Gayunpaman, nangangamba si Lyka na baka hindi niya kayanin ang
mga hamon ng kanyang mga pangarap.
Sa huli, masaya ang mga magulang
ni Lyka dahil lumaki siyang mabait at masipag sa pag-aaral. Ngayon, dalawa na
ang anak ng mag-asawa, at sila’y lubos na nagpapasalamat dahil dininig ng
Panginoon ang kanilang hangaring magkaroon ng isang anak na babae. Sa
kasalukuyan, patuloy na namumuhay ang mag-asawa at mayroong masayang pamilya.
No comments:
Post a Comment