“Ang pagsasabi ng tapat,
pagsasama ng maluwat,” ang kasabihang ito ay tumutukoy sa pagiging tapat o
makatotohanan sa isang bagay o tao. Ang katapatan ay hindi lamang basta salita;
ito ay isang mahalagang pag-uugali na dapat taglayin ng bawat indibidwal. Ikaw,
bilang isang tao, tapat ka ba?
Ang pagsasabi ng tapat ay isang
bagay na nararapat gawin ng bawat tao. Halimbawa, kapag ikaw ay nakagawa ng
mabigat na kasalanan sa iyong kapwa at natatakot kang sabihin ito sa kanya,
maaaring bumagabag ito sa iyong kalooban. Ang tamang gawin ay maging tapat at
ipagtapat ang iyong nagawang kasalanan upang mabawasan ang bigat na iyong
nararamdaman. Kaya’t mahalaga na tayo’y maging tapat sa bawat bagay na ating
ginagawa dahil ito ay isang ugali na dapat taglayin ng lahat.
Sa kabuuan, hindi tayo dapat
matakot o magdalawang-isip na magsabi ng katotohanan. Kapag nagsasabi tayo ng
totoo, wala tayong dapat ikabahala o ikatakot. Bilang isang indibidwal,
napakahalaga sa akin ang pagiging tapat sa kapwa dahil para sa akin, ito ay
simbolo ng pagbibigay ng respeto. Kaya’t ikaw, bilang isang tao, itatak mo sa
iyong isipan na hindi masama ang magsabi ng katotohanan basta’t ikaw ay nasa
tama.
No comments:
Post a Comment