Ang “Anak,” isang kanta ni
Freddie Aguilar, ay tungkol sa pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak. Ang
ating mga magulang ang unang nagmahal at nagparamdam ng pagmamahal sa atin.
Sila rin ang gumagabay upang maitama ang ating mga pagkakamali sa buhay.
Sa kantang “Anak,” ipinapahiwatig
na ang mga magulang natin ang unang nag-aruga sa atin at ang tanging hangad
nila ay ang makabubuti para sa atin. Ayon sa kanta, kapag hindi natin sinunod
ang payo ng ating mga magulang, maaari tayong mapunta sa maling landas. Dahil
dito, tayo rin ang magsisisi sa huli. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, sila
pa rin ang unang lalapitan natin kapag may masamang nangyayari sa atin. Kaya
nga, tulad ng sabi ng ating mga magulang, “nasa huli ang pagsisisi.” Bilang mga
anak, hindi natin dapat minamasama ang kanilang mga payo dahil ang tanging nais
nila ay ang ating kabutihan. Hindi dahil malalaki na tayo ay nangangahulugan
nang kaya na natin ang lahat, at hindi na natin kailangang pakinggan sila.
Sa kabuuan, mahalaga ang
pakikinig sa ating mga magulang dahil kung wala sila, wala rin tayo. Dapat
natin silang pahalagahan habang mayroon pang pagkakataong makasama sila. Huwag
nating kalimutan na pasalamatan sila sa lahat ng kanilang sakripisyo at pagmamahal
para sa atin.
No comments:
Post a Comment