Wednesday, November 27, 2024

Sulatin #4 - Hiraya Manawari


Ano nga ba ang salitang pangarap? Ang pangarap ay isang mithiin na nais makamit ng isang tao. Maraming tao ang, simula pagkabata pa lamang, ay mayroon nang nais na maabot na pangarap. Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay maaaring magbago habang sila’y lumalaki. Ikaw, bilang isang bata, may pangarap ka bang nais makamit?

 

Bilang isang bata na may matayog na pangarap, marami akong gustong marating at matupad. Ngunit paano kung hindi ito matupad? Iyan ang tanong na madalas tumatakbo sa aking isipan tuwing napapaisip ako tungkol sa aking pangarap. Sa kabila nito, ako’y nananalig at nagtitiwala sa aking sarili na kaya kong matupad ang mga ito.

 

Sa kabuuan, ang pangarap ay nagsisilbing motibasyon ng isang tao upang magpatuloy sa buhay. Ang pangarap ay isang mahalagang tulong upang matukoy ang direksyon ng kanyang hinaharap. Sa huli, ang aking mensahe ay simple lamang: nawa’y makamit nating lahat ang ating mga pangarap.

Sulatin #2 - Hinahangad na supling


May mag-asawang naghangad na magkaroon ng isang anak na babae. Noong ikatatlumpu ng Agosto taong dalawang libo’t pito, pinagkalooban sila ng isang supling na babae na pinangalanan nilang Lyka—isang malusog at masiglang sanggol. Lubos ang kasiyahan ng mag-asawa nang masilayan nila si Lyka sa unang pagkakataon.

 

Lumipas ang ilang taon, lumaki si Lyka bilang isang masayahin at palakaibigan na bata. Habang siya’y nagkakaisip, madalas siyang magtanong sa sarili kung ano ang nais niyang maging paglaki. Nang siya’y mag-senior high, napagtanto niyang gusto niyang maging chef o guro sa hinaharap. Gayunpaman, nangangamba si Lyka na baka hindi niya kayanin ang mga hamon ng kanyang mga pangarap.

 

Sa huli, masaya ang mga magulang ni Lyka dahil lumaki siyang mabait at masipag sa pag-aaral. Ngayon, dalawa na ang anak ng mag-asawa, at sila’y lubos na nagpapasalamat dahil dininig ng Panginoon ang kanilang hangaring magkaroon ng isang anak na babae. Sa kasalukuyan, patuloy na namumuhay ang mag-asawa at mayroong masayang pamilya.

Thursday, November 21, 2024

Sulatin #1 - Pagtatapos


Maraming kabataan ang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral, at isa ako sa mga kabataang iyon. Sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating, hindi ako magpapatinag dahil may dedikasyon akong makapagtapos ng pag-aaral. Bakit nga ba mahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral? At ano-ano ang mga dahilan? 

 

Bilang isang mag-aaral, mahalaga sa akin ang makapagtapos ng pag-aaral dahil nais kong ipagmalaki ako ng aking mga magulang. Pangalawa, mas malaki ang pagkakataong makapagtrabaho sa malalaking kompanya kung may diploma. Panghuli, gusto kong makatulong at masuklian ang lahat ng sakripisyo ng aking mga magulang para sa aking edukasyon. 

 

Sa kabuuan, ang pag-aaral ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng diploma, kundi sa pagkakaroon ng malinaw na layunin at dahilan kung bakit nais mong makapagtapos. Maraming kabataan ang nag-aaral, at bawat isa ay may kani-kaniyang dahilan kung bakit nila ito pinipiling gawin. Bilang isa ring estudyante, nawa’y pagbutihan natin ang ating pag-aaral upang makamit ang ating mga pangarap.

BOOK REVIEW - THE MIDNIGHT MURDERS

    Sta. Lucia High School #30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City     THE MIDNIGHT MURDERS   ni Serialsleeper Life is Beautif...