Tuesday, January 28, 2025

BOOK REVIEW - THE MIDNIGHT MURDERS

 

 

Sta. Lucia High School

#30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City

 

 

THE MIDNIGHT MURDERS

 

ni Serialsleeper

Life is Beautiful Printing Corp, 2019

 

 

Isang Suring Aklat (Book Review) na iniharap

Kay Ginoong G. Agpaoa, LPT

Bilang isa sa mga Pangangailangan sa Kursong

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

 

 

 

Ipinasa ni

Lyka Kilakiga

G11 – HE 2

 

 

 

Enero, 2025



I. PANIMULA

 

A. PAMAGAT

Sa aklat na "The Midnight Murders" ay isang nakakatakot at nakaka-suspense na uri ng aklat. Ang salitang Midnight sa pamagat ay nangangahulugang isang oras na madalas na nauugnay sa kadiliman, misteryo. At binibigyang diin ng pamagat ang oras ng pagpatay sa mga biktima. At sinasabi din ng aklat na’to ang mga lihim ay nabubunyag, ang panganib ay nakatago sa mga anino, at ang mga karakter ay nahaharap sa mga katotohanang magbabago sa buhay nila. Ang pamagat ay parehong nakakabighani at nakakatakot, na humihimok sa mga mambabasa na alamin ang misteryo sa likod ng mga pamamaslang sa hatinggabi.

 

B. URI NG PANITIKAN AT GENRE

Ang panitikan ng librong “The Midnight Murders” ni Serialsleeper ay isang nobela at fiction na kuwento. Ito ay may mga kabanata na naghahati sa mga eksena upang mas maayos na maihatid ang kuwento sa mga mambabasa. Maituturing itong isang fiction na kuwento dahil may ilang pangyayari rito na hindi maaaring mangyari sa totoong buhay.  

 

Samantala, ang genre ng aklat na “The Midnight Murders” ay mystery at thriller. Taglay nito ang suspense, pag-iimbestiga ng mga krimen, at tensyon na nakakapukaw ng interes ng mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Dagdag pa rito, ang aklat ay may madilim na misteryo at nakatuon sa paglutas ng mga pagpatay. Mayroon din itong halong horror at drama sa ilang kabanata, na lalong nagpapalalim sa istorya. Dahil dito, nadaragdagan ang mga plot twist na nagiging dahilan upang mas mahikayat ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento.

 

 

C. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Serialsleeper ay kilala bilang isang manunulat ng kwento sa plataporma na tinatawag na wattpad at ang totoong pangalan ni Serialsleeper ay Bambi Emanuel M. Apdian. Nagmula siya sa Davao del Norte, nagsimula siyang magsulat ng kwento noong 2012 sa edad na labinlima. Sa una, Serialkiller ang pangalan niya sa pagsusulat ng libro, ngunit kalaunan ito'y naging Serialsleeper at doon siya nakilala sa mga gawa niyang aklat partikular na sa horror na genre. Isa sa mga kilalang gawa ni Serialsleeper ay ang " Dispareo", na nakakamit ng mahigit 8.4 milyong mambabasa, at "Stay Awake, Agatha" na nakakuha naman ng 31.2 milyong mambabasa. Ang mga kwento ni Serialsleeper ay may mga kakaibang plot at may mga di inaasahang mga wakas sa kwento. Sa kabila ng pagiging online writer, si Serialsleeper ay nagpa- published ng kanyang mga gawang kwento sa ilalim ng PSICOM Publishing.

 

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

 

A. TEMA/PAKSA

Ang tema ng aklat na "The Midnight Murders" ni Serialsleeper ay umiikot sa mga lihim, hustisya, at paghahangad ng katotohanan. Sa kabila nito, tinatalakay ng kuwento kung paano nahuhubog ng mga nakatagong katotohanan at hindi malutas na mga kaganapan mula sa nakaraan ang kasalukuyan, na humahantong sa kaguluhan at panganib. Ang kuwento ay punong puno ng misteryo at pananabik, na hinihikayat lalo ang mambabasa na magpatuloy at bigyan ng motibasyon na alamin kung sino ang mamamatay tao sa kwento. Sa pamamagitan ng nakakagigil at nakaka-excite na plot ng kuwento, tinutuklasan din dito ang mga takot at survival instincts ng mga karakter sa kuwento, dahil kailangan nilang harapin ang kanilang pinakamalalim na takot upang matuklasan ang katotohanan.

 

B. MGA TAUHAN, TAGPUAN, PANAHON

MGA TAUHAN

a. Kendra – Siya ang pangunahing tauhan sa kuwento, o sa Ingles, ang protagonist. Ang karakter ni Kendra ay may napakahalagang papel sa daloy ng istorya dahil siya ang nagsisilbing sentro ng mga pangyayari. Sa kanyang pagkatao at mga karanasang pinagdaanan, lalong lumalalim ang misteryo sa kanilang lugar. Isa siyang matapang at matalinong babae, kaya siya ang nangunguna sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa kanilang bayan. Sa kabila ng mga pagsubok at panganib na kanyang kinakaharap, hindi siya sumusuko sa pag-alam kung sino ang nasa likod ng mga krimen.

b. Ang Pumatay o Killer – Siya naman ang kontrabida o sa ingles ay antagonist ng kuwento siya ang tauhan na may pasimuno ng pagpatay na nangyayari sa lugar nila kendra at ang pagkakakilanlan niya ay hindi agad matutuklasan, na nagpapalalim sa suspense ng kwento.

c. Dad – Isang mapagmahal na ama na biglang nawala sa kuwento. Mayroon siyang lihim na tinatago tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

d. Kier – Ang pinakamamahal at nakatatandang kapatid ni Kendra.

e. Nico – Ang minamahal at kasintahan ni Kendra bago siya ma-coma sa loob ng tatlong taon.

f. Doctor Paula – Ang doktor na nag-asikaso kay Kendra noong siya ay nasa ospital sa loob ng tatlong taon.

g. Mayor Aragon – Ang Mayor ng Redwood City at tito ni Tate na isang matulungin na tao.

h. Tate – Ang mabait at matalik na kaibigan ni Kendra, ngunit maraming lihim na itinatago mula rito.

i. Joey – Ang kinaiinisan ni Tate, ngunit kalaunan ay naging kasintahan niya.

j. Webb – Isang matulunging tao at kasama ni Kendra sa paglutas ng mga kaso ng pagpatay sa Redwood City.

k. Aria – Ang bagong karakter na may ugaling kahawig ng pangunahing tauhan na si Kendra.

 

MGA TAGPUAN

Ang tagpuan sa kuwento na “The Midnight Murders” ni Seralsleeper ay naganap sa isang maliit na bayan o city sa ingles na tinatawag na Redwood City. Ang lugar sa kuwento ay isang tahimik at misteryoso na punong puno ng nakatagong lihim. At ang isa pang tagpuan sa kuwento ay sa perya kung saan nagsimula ang lahat. Ang tagpuan sa kuwentong ito ay mahalaga dahil nagdagdag ito ng takot at kilabot, lalo na sa oras ng hatinggabi kung saan nangyayari ang pagpatay.

 

PANAHON

Ang panahon na ginamit sa kuwento ay isang modernong panahon, na may makabagong teknolohiya at paraan sa pagiimbestiga. Dagdag pa rito, gumamit din ang kuwentong ito ng makalumang panahon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe gamit ang papel at panulat. Ang mga mamamatay tao sa kuwento o ang antagonist ng kuwento ay lumalabas lamang tuwing dis-oras ng gabi, na lalong nagdagdag ng takot at panganib sa hatinggabi sa kuwento.

 

C. ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA

Sa aklat na "The Midnight Murders" ni Serialsleeper, ang estilo ng pagsulat na ginamit niya ay pagkakaroon ng matinding suspense at misteryosong kuwento. Ginamit din ni Serialsleeper ang paglalarawan sa mga tauhan, tagpuan, at mga kaganapan sa kuwento upang mas lalong mahikayat ang mambabasa na magpatuloy. At gumamit din ang may akda ng mabilis na takbo ng eksena sa may kuwento at pagdagdag ng takot at kaba. Bukod pa rito, ang estilo ng paggamit ng mga di inaasahang pangyayari ay nagsisilbing diskarte upang maging usyoso ang mga mambabasa.

 

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

 

A. KAKINTALAN/KAISIPAN

Sa akda ni Serialsleeper na may pamagat na " The Midnight Murders" ay nakatuon sa pag-unawa sa kahinaan at sikolohiya ng tao. Ipinapakita ng kuwento kung papaano ang mga nakatagong lihim at paghahanap ng katarungan ay maaring magbago sa buhay ng bawat isa. Ang mga karakter sa kuwento ay pinakita kung ano ang nagyayari sa kuwento tulad ng trahedya at Insidente sa kuwento, at kung paano nila nauunawaan ang mundo sa kanilang mga pananaw.

 

B. KULTURANG MASASALAMIN

Ang kulturang masasalamin sa aklat na “The Midnight Murders” ay ang kulturang Filipino na kung saan ipinapakita sa karakter ni Kendra ang mga pagsubok na kaniyang kinaharap. Sa kabilang banda, pinakita din sa kuwento ang pagpapahalaga sa pamilya at ugnayan sa komunidad na makikita natin sa kultura nating mga Filipino. Makikita din sa kuwento ang moralidad at palalaban sa katarungan, na may kaugnayan sa kultura ng mga Pilipino na ipinaglalaban ang katarungan at pagkakapantay-pantay at paggawa ng tama.

 

IV. LAGOM

Isang normal na araw lang ` yon para sa aming lahat. Pero biglang nagbago ang mga buhay namin sa isang iglap. Sampung putok ng baril ang umalingawngaw. Sa isang iglap, nagising ako sa isang bagong buhay. Marami na ang nagbago sa pamilya at mga kaibigan ko. Pero may higit na nagbago sa katauhan ko. Sa isang iglap din, bigla akong nagkaroon ng isang kakayahan. Kakayahang malaman kung ang isang tao ay nagsisinungaling o nagsasaad ng katotohanan. Pero sa kabila ng kakayahang ito, sinusubukan kong mabuhay gaya ng isang normal na dalaga. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Sabado ng hatinggabi, may pinatay sa kahindik-hindik na paraan. Nasundan pa yon nang mga sumunod na hatinggabi. Gustuhin ko mang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ay hindi ko magawa, lalong-lalo na dahil napapansin kong nagsisinungaling lang ang lahat. Hindi ko alam kung isa ba itong sumpa o biyaya. Pero hindi ako titigil hanggang sa malaman ko ang katotohanan.

 

V. REAKSYON AT MUNGKAHI

Bilang isang mambabasa ng aklat na “The Midnight Murders” ni Serialsleeper ito ay isang kuwento na nagpapakita ng paghahanap ng katarungan at mga nakatagong lihim. Ang ginamit na estilo ng may-akda ay napakahusay dahil nakuha niya ang aking atensiyon bilang mambabasa at naramdaman ko din ang tensyon sa mga pangyayari sa eksena na nagaganap sa libro. Ang isang mungkahi ko lamang na napansin ko na kulang sa kuwento ay ang backstory ng pangunahing tauhan na si kendra, dahil sa tingin ko mas mapapaganda ang kuwento kung dadagdagan ang backstory nito para mas lalo naming maunawaan bilang mambabasa ang kuwento. Gayunpaman, ang kuwento ay may maganda na plot at mga twist sa eksena na nagpapalakas sa interes ng mga mambabasa na mahilig sa misteryoso at thriller na kuwento.   

 

Bukod dito, napansin ko rin ang husay ng may-akda ng The Midnight Murders sa pagsulat ng kuwentong ito. Maraming bahagi ng istorya ang hindi mo inaasahang mangyayari, kabilang na ang mga rebelasyong may kinalaman sa mga tauhan—lalo na kung sino ang tunay na killer. Dahil dito, lubos akong humanga sa galing ng may-akda sa paglikha ng isang mahusay na storyline at nakakagulat na plot twist. Sa kabila ng hindi ko pagiging mahilig magbasa, agad nitong nakuha ang aking atensiyon. Ang paraan ng pagsasalaysay ng may-akda ay puno ng suspense, kaya't nahirapan akong bitawan ang aklat nang masimulan ko itong basahin. Huli, ang paggamit ng may-akda ng madilim at nakakabighaning tema sa kuwento ay tiyak na mag-iiwan sa aming mga mambabasa ng matinding impresyon, lalo na sa mga mahilig sa ganitong uri ng aklat.

 

Monday, December 9, 2024

Sulatin #6 - Diploma o Diskarte: Ano ang pipiliin mo?


Maraming tao ang nagdedebate tungkol sa diploma at diskarte, ngunit bilang isang mamamayan, ano ang pipiliin mo? Bakit nga ba kailangang pumili? Mahalaga ba ito para sa isang tao?

 

Ang diskarte ay ang kakayahan ng isang tao na maghanap ng paraan upang harapin ang mga hamon sa buhay. Halimbawa, kung ikaw ay isang taong naghihirap ngunit nais makaahon, mag-iisip ka ng mga paraan o diskarte upang makahanap ng trabaho at mapabuti ang iyong kalagayan. Sa kabilang banda, ang diploma ay isang sertipikong natatanggap ng isang tao kapag siya’y nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay mahalaga dahil nagbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa magandang trabaho at kinabukasan.

 

Sa huli, para sa akin, mas mainam na piliin ang parehas—diskarte at diploma. Ang kombinasyon ng dalawa ay mas maganda. Ang diploma ay nagbibigay ng mas malaking pagkakataon na makakuha ng magandang trabaho dahil patunay ito na ikaw ay edukado. Samantala, ang diskarte naman ay magagamit upang mapabuti at mapaunlad ang anumang trabaho o oportunidad na iyong makukuha.

Saturday, December 7, 2024

Sulatin #3 - Pagmamahal ng Isang Magulang

 

Ang “Anak,” isang kanta ni Freddie Aguilar, ay tungkol sa pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak. Ang ating mga magulang ang unang nagmahal at nagparamdam ng pagmamahal sa atin. Sila rin ang gumagabay upang maitama ang ating mga pagkakamali sa buhay.

 

Sa kantang “Anak,” ipinapahiwatig na ang mga magulang natin ang unang nag-aruga sa atin at ang tanging hangad nila ay ang makabubuti para sa atin. Ayon sa kanta, kapag hindi natin sinunod ang payo ng ating mga magulang, maaari tayong mapunta sa maling landas. Dahil dito, tayo rin ang magsisisi sa huli. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, sila pa rin ang unang lalapitan natin kapag may masamang nangyayari sa atin. Kaya nga, tulad ng sabi ng ating mga magulang, “nasa huli ang pagsisisi.” Bilang mga anak, hindi natin dapat minamasama ang kanilang mga payo dahil ang tanging nais nila ay ang ating kabutihan. Hindi dahil malalaki na tayo ay nangangahulugan nang kaya na natin ang lahat, at hindi na natin kailangang pakinggan sila.

 

Sa kabuuan, mahalaga ang pakikinig sa ating mga magulang dahil kung wala sila, wala rin tayo. Dapat natin silang pahalagahan habang mayroon pang pagkakataong makasama sila. Huwag nating kalimutan na pasalamatan sila sa lahat ng kanilang sakripisyo at pagmamahal para sa atin.

Sulatin #5 - Mga Hadlang sa Tagumpay

 

“Pinukol ang punong hitik sa bunga” ay isang kasabihang tumutukoy sa mga taong nakakamit ng tagumpay sa buhay. Dahil sa kanilang tagumpay, may mga tao na nagtatangkang hilahin sila pababa. Maraming tao ang hindi masaya sa tagumpay ng kanilang kapwa, marahil dahil sa inggit o takot na malamangan. Ngunit, bakit nga ba may mga taong hindi marunong magdiwang sa tagumpay ng iba?

 

Sa mundong puno ng negatibong tao, laging may hahadlang sa iyong pag-angat, lalo na kapag nakikita nilang ikaw ay umaasenso. Maaaring ayaw nilang makita kang matagumpay dahil sa kanilang sariling insecurities. Ang iba naman ay nanghihila ng kapwa pababa dahil hindi nila kayang marating ang parehong tagumpay. Sa halip na magsikap para sa sarili nilang pag-unlad, pinipili nilang magdulot ng paghihirap sa iba upang pigilan ang kanilang tagumpay.

 

Sa kabila nito, mahalagang huwag magpaapekto sa mga taong ganito. Magpatuloy ka lang sa iyong mga layunin dahil kung ang tagumpay ay nakalaan para sa iyo, walang sinuman ang makapipigil dito. Hindi mahalaga ang opinyon ng mga taong ang tanging ginagawa ay hilahin ka pababa. Para naman sa mga tao na hindi masaya sa tagumpay ng iba, nawa’y mapagtanto ninyo na walang mabuting maidudulot ang ganitong pag-uugali. Mas mainam na maging masaya para sa tagumpay ng kapwa at gamitin ito bilang inspirasyon para pagbutihin ang sarili.

 

Sa huli, magpatuloy lamang sa buhay at huwag hayaang maapektuhan ng mga negatibong tao. Tandaan, ang tagumpay ay para sa mga taong patuloy na nagsisikap at naniniwala sa kanilang kakayahan. Kaya’t nawa’y magpatuloy ang inyong mga tagumpay at patuloy kayong maging inspirasyon sa iba.

Sulatin #7 - Kahalagahan ng Katapatan

    

“Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat,” ang kasabihang ito ay tumutukoy sa pagiging tapat o makatotohanan sa isang bagay o tao. Ang katapatan ay hindi lamang basta salita; ito ay isang mahalagang pag-uugali na dapat taglayin ng bawat indibidwal. Ikaw, bilang isang tao, tapat ka ba?

 

Ang pagsasabi ng tapat ay isang bagay na nararapat gawin ng bawat tao. Halimbawa, kapag ikaw ay nakagawa ng mabigat na kasalanan sa iyong kapwa at natatakot kang sabihin ito sa kanya, maaaring bumagabag ito sa iyong kalooban. Ang tamang gawin ay maging tapat at ipagtapat ang iyong nagawang kasalanan upang mabawasan ang bigat na iyong nararamdaman. Kaya’t mahalaga na tayo’y maging tapat sa bawat bagay na ating ginagawa dahil ito ay isang ugali na dapat taglayin ng lahat.

 

Sa kabuuan, hindi tayo dapat matakot o magdalawang-isip na magsabi ng katotohanan. Kapag nagsasabi tayo ng totoo, wala tayong dapat ikabahala o ikatakot. Bilang isang indibidwal, napakahalaga sa akin ang pagiging tapat sa kapwa dahil para sa akin, ito ay simbolo ng pagbibigay ng respeto. Kaya’t ikaw, bilang isang tao, itatak mo sa iyong isipan na hindi masama ang magsabi ng katotohanan basta’t ikaw ay nasa tama.

Wednesday, November 27, 2024

Sulatin #4 - Hiraya Manawari


Ano nga ba ang salitang pangarap? Ang pangarap ay isang mithiin na nais makamit ng isang tao. Maraming tao ang, simula pagkabata pa lamang, ay mayroon nang nais na maabot na pangarap. Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay maaaring magbago habang sila’y lumalaki. Ikaw, bilang isang bata, may pangarap ka bang nais makamit?

 

Bilang isang bata na may matayog na pangarap, marami akong gustong marating at matupad. Ngunit paano kung hindi ito matupad? Iyan ang tanong na madalas tumatakbo sa aking isipan tuwing napapaisip ako tungkol sa aking pangarap. Sa kabila nito, ako’y nananalig at nagtitiwala sa aking sarili na kaya kong matupad ang mga ito.

 

Sa kabuuan, ang pangarap ay nagsisilbing motibasyon ng isang tao upang magpatuloy sa buhay. Ang pangarap ay isang mahalagang tulong upang matukoy ang direksyon ng kanyang hinaharap. Sa huli, ang aking mensahe ay simple lamang: nawa’y makamit nating lahat ang ating mga pangarap.

Sulatin #2 - Hinahangad na supling


May mag-asawang naghangad na magkaroon ng isang anak na babae. Noong ikatatlumpu ng Agosto taong dalawang libo’t pito, pinagkalooban sila ng isang supling na babae na pinangalanan nilang Lyka—isang malusog at masiglang sanggol. Lubos ang kasiyahan ng mag-asawa nang masilayan nila si Lyka sa unang pagkakataon.

 

Lumipas ang ilang taon, lumaki si Lyka bilang isang masayahin at palakaibigan na bata. Habang siya’y nagkakaisip, madalas siyang magtanong sa sarili kung ano ang nais niyang maging paglaki. Nang siya’y mag-senior high, napagtanto niyang gusto niyang maging chef o guro sa hinaharap. Gayunpaman, nangangamba si Lyka na baka hindi niya kayanin ang mga hamon ng kanyang mga pangarap.

 

Sa huli, masaya ang mga magulang ni Lyka dahil lumaki siyang mabait at masipag sa pag-aaral. Ngayon, dalawa na ang anak ng mag-asawa, at sila’y lubos na nagpapasalamat dahil dininig ng Panginoon ang kanilang hangaring magkaroon ng isang anak na babae. Sa kasalukuyan, patuloy na namumuhay ang mag-asawa at mayroong masayang pamilya.

BOOK REVIEW - THE MIDNIGHT MURDERS

    Sta. Lucia High School #30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City     THE MIDNIGHT MURDERS   ni Serialsleeper Life is Beautif...