#30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia,
Pasig City
THE MIDNIGHT MURDERS
ni Serialsleeper
Life is Beautiful Printing Corp, 2019
Isang Suring Aklat (Book Review) na
iniharap
Kay Ginoong G. Agpaoa, LPT
Bilang isa sa mga Pangangailangan sa
Kursong
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa ni
Lyka Kilakiga
G11 – HE 2
I.
PANIMULA
A. PAMAGAT
Sa
aklat na "The Midnight Murders" ay isang nakakatakot at
nakaka-suspense na uri ng aklat. Ang salitang Midnight sa pamagat ay
nangangahulugang isang oras na madalas na nauugnay sa kadiliman, misteryo. At
binibigyang diin ng pamagat ang oras ng pagpatay sa mga biktima. At sinasabi
din ng aklat na’to ang mga lihim ay nabubunyag, ang panganib ay nakatago sa mga
anino, at ang mga karakter ay nahaharap sa mga katotohanang magbabago sa buhay
nila. Ang pamagat ay parehong nakakabighani at nakakatakot, na humihimok sa mga
mambabasa na alamin ang misteryo sa likod ng mga pamamaslang sa hatinggabi.
Ang
panitikan ng librong “The Midnight Murders” ni Serialsleeper ay isang nobela at
fiction na kuwento. Ito ay may mga kabanata na naghahati sa mga eksena upang
mas maayos na maihatid ang kuwento sa mga mambabasa. Maituturing itong isang fiction
na kuwento dahil may ilang pangyayari rito na hindi maaaring mangyari sa
totoong buhay.
Samantala,
ang genre ng aklat na “The Midnight Murders” ay mystery at thriller. Taglay
nito ang suspense, pag-iimbestiga ng mga krimen, at tensyon na nakakapukaw ng
interes ng mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Dagdag pa rito, ang
aklat ay may madilim na misteryo at nakatuon sa paglutas ng mga pagpatay.
Mayroon din itong halong horror at drama sa ilang kabanata, na lalong
nagpapalalim sa istorya. Dahil dito, nadaragdagan ang mga plot twist na
nagiging dahilan upang mas mahikayat ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento.
Si
Serialsleeper ay kilala bilang isang manunulat ng kwento sa plataporma na tinatawag
na wattpad at ang totoong pangalan ni Serialsleeper ay Bambi Emanuel M. Apdian.
Nagmula siya sa Davao del Norte, nagsimula siyang magsulat ng kwento noong 2012
sa edad na labinlima. Sa una, Serialkiller ang pangalan niya sa pagsusulat ng
libro, ngunit kalaunan ito'y naging Serialsleeper at doon siya nakilala sa mga
gawa niyang aklat partikular na sa horror na genre. Isa sa mga kilalang gawa ni
Serialsleeper ay ang " Dispareo", na nakakamit ng mahigit 8.4 milyong
mambabasa, at "Stay Awake, Agatha" na nakakuha naman ng 31.2 milyong
mambabasa. Ang mga kwento ni Serialsleeper ay may mga kakaibang plot at may mga
di inaasahang mga wakas sa kwento. Sa kabila ng pagiging online writer, si
Serialsleeper ay nagpa- published ng kanyang mga gawang kwento sa ilalim ng
PSICOM Publishing.
A. TEMA/PAKSA
Ang
tema ng aklat na "The Midnight Murders" ni Serialsleeper ay umiikot
sa mga lihim, hustisya, at paghahangad ng katotohanan. Sa kabila nito,
tinatalakay ng kuwento kung paano nahuhubog ng mga nakatagong katotohanan at
hindi malutas na mga kaganapan mula sa nakaraan ang kasalukuyan, na humahantong
sa kaguluhan at panganib. Ang kuwento ay punong puno ng misteryo at pananabik,
na hinihikayat lalo ang mambabasa na magpatuloy at bigyan ng motibasyon na
alamin kung sino ang mamamatay tao sa kwento. Sa pamamagitan ng nakakagigil at
nakaka-excite na plot ng kuwento, tinutuklasan din dito ang mga takot at
survival instincts ng mga karakter sa kuwento, dahil kailangan nilang harapin
ang kanilang pinakamalalim na takot upang matuklasan ang katotohanan.
B. MGA TAUHAN, TAGPUAN, PANAHON
a. Kendra
–
Siya ang pangunahing tauhan sa kuwento, o sa Ingles, ang protagonist. Ang
karakter ni Kendra ay may napakahalagang papel sa daloy ng istorya dahil siya
ang nagsisilbing sentro ng mga pangyayari. Sa kanyang pagkatao at mga
karanasang pinagdaanan, lalong lumalalim ang misteryo sa kanilang lugar. Isa
siyang matapang at matalinong babae, kaya siya ang nangunguna sa paghahanap ng
katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa kanilang bayan. Sa kabila ng
mga pagsubok at panganib na kanyang kinakaharap, hindi siya sumusuko sa
pag-alam kung sino ang nasa likod ng mga krimen.
b. Ang
Pumatay o Killer – Siya naman ang kontrabida o sa ingles ay
antagonist ng kuwento siya ang tauhan na may pasimuno ng pagpatay na nangyayari
sa lugar nila kendra at ang pagkakakilanlan niya ay hindi agad matutuklasan, na
nagpapalalim sa suspense ng kwento.
c. Dad – Isang
mapagmahal na ama na biglang nawala sa kuwento. Mayroon siyang lihim na
tinatago tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
d. Kier – Ang
pinakamamahal at nakatatandang kapatid ni Kendra.
e. Nico – Ang
minamahal at kasintahan ni Kendra bago siya ma-coma sa loob ng tatlong taon.
f. Doctor
Paula – Ang doktor na nag-asikaso kay Kendra noong siya ay nasa
ospital sa loob ng tatlong taon.
g. Mayor
Aragon – Ang Mayor ng Redwood City at tito ni Tate na isang
matulungin na tao.
h. Tate – Ang
mabait at matalik na kaibigan ni Kendra, ngunit maraming lihim na itinatago
mula rito.
i. Joey – Ang
kinaiinisan ni Tate, ngunit kalaunan ay naging kasintahan niya.
j. Webb –
Isang matulunging tao at kasama ni Kendra sa paglutas ng mga kaso ng pagpatay
sa Redwood City.
k. Aria – Ang
bagong karakter na may ugaling kahawig ng pangunahing tauhan na si Kendra.
Ang
tagpuan sa kuwento na “The Midnight Murders” ni Seralsleeper ay naganap sa
isang maliit na bayan o city sa ingles na tinatawag na Redwood City. Ang lugar
sa kuwento ay isang tahimik at misteryoso na punong puno ng nakatagong lihim. At
ang isa pang tagpuan sa kuwento ay sa perya kung saan nagsimula ang lahat. Ang
tagpuan sa kuwentong ito ay mahalaga dahil nagdagdag ito ng takot at kilabot,
lalo na sa oras ng hatinggabi kung saan nangyayari ang pagpatay.
Ang
panahon na ginamit sa kuwento ay isang modernong panahon, na may makabagong
teknolohiya at paraan sa pagiimbestiga. Dagdag pa rito, gumamit din ang
kuwentong ito ng makalumang panahon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe
gamit ang papel at panulat. Ang mga mamamatay tao sa kuwento o ang antagonist
ng kuwento ay lumalabas lamang tuwing dis-oras ng gabi, na lalong nagdagdag ng
takot at panganib sa hatinggabi sa kuwento.
C. ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA
Sa
aklat na "The Midnight Murders" ni Serialsleeper, ang estilo ng
pagsulat na ginamit niya ay pagkakaroon ng matinding suspense at misteryosong
kuwento. Ginamit din ni Serialsleeper ang paglalarawan sa mga tauhan, tagpuan,
at mga kaganapan sa kuwento upang mas lalong mahikayat ang mambabasa na
magpatuloy. At gumamit din ang may akda ng mabilis na takbo ng eksena sa may
kuwento at pagdagdag ng takot at kaba. Bukod pa rito, ang estilo ng paggamit ng
mga di inaasahang pangyayari ay nagsisilbing diskarte upang maging usyoso ang
mga mambabasa.
A. KAKINTALAN/KAISIPAN
Sa
akda ni Serialsleeper na may pamagat na " The Midnight Murders" ay
nakatuon sa pag-unawa sa kahinaan at sikolohiya ng tao. Ipinapakita ng kuwento
kung papaano ang mga nakatagong lihim at paghahanap ng katarungan ay maaring
magbago sa buhay ng bawat isa. Ang mga karakter sa kuwento ay pinakita kung ano
ang nagyayari sa kuwento tulad ng trahedya at Insidente sa kuwento, at kung
paano nila nauunawaan ang mundo sa kanilang mga pananaw.
Ang
kulturang masasalamin sa aklat na “The Midnight Murders” ay ang kulturang
Filipino na kung saan ipinapakita sa karakter ni Kendra ang mga pagsubok na
kaniyang kinaharap. Sa kabilang banda, pinakita din sa kuwento ang pagpapahalaga
sa pamilya at ugnayan sa komunidad na makikita natin sa kultura nating mga
Filipino. Makikita din sa kuwento ang moralidad at palalaban sa katarungan, na
may kaugnayan sa kultura ng mga Pilipino na ipinaglalaban ang katarungan at
pagkakapantay-pantay at paggawa ng tama.
Isang
normal na araw lang ` yon para sa aming lahat. Pero biglang nagbago ang mga
buhay namin sa isang iglap. Sampung putok ng baril ang umalingawngaw. Sa isang
iglap, nagising ako sa isang bagong buhay. Marami na ang nagbago sa pamilya at
mga kaibigan ko. Pero may higit na nagbago sa katauhan ko. Sa isang iglap din,
bigla akong nagkaroon ng isang kakayahan. Kakayahang malaman kung ang isang tao
ay nagsisinungaling o nagsasaad ng katotohanan. Pero sa kabila ng kakayahang
ito, sinusubukan kong mabuhay gaya ng isang normal na dalaga. Pero sadyang
mapagbiro ang tadhana. Sabado ng hatinggabi, may pinatay sa kahindik-hindik na
paraan. Nasundan pa yon nang mga sumunod na hatinggabi. Gustuhin ko mang
magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ay hindi ko magawa, lalong-lalo na dahil
napapansin kong nagsisinungaling lang ang lahat. Hindi ko alam kung isa ba
itong sumpa o biyaya. Pero hindi ako titigil hanggang sa malaman ko ang
katotohanan.
Bilang
isang mambabasa ng aklat na “The Midnight Murders” ni Serialsleeper ito ay
isang kuwento na nagpapakita ng paghahanap ng katarungan at mga nakatagong
lihim. Ang ginamit na estilo ng may-akda ay napakahusay dahil nakuha niya ang
aking atensiyon bilang mambabasa at naramdaman ko din ang tensyon sa mga pangyayari
sa eksena na nagaganap sa libro. Ang isang mungkahi ko lamang na napansin ko na
kulang sa kuwento ay ang backstory ng pangunahing tauhan na si kendra, dahil sa
tingin ko mas mapapaganda ang kuwento kung dadagdagan ang backstory nito para
mas lalo naming maunawaan bilang mambabasa ang kuwento. Gayunpaman, ang kuwento
ay may maganda na plot at mga twist sa eksena na nagpapalakas sa interes ng mga
mambabasa na mahilig sa misteryoso at thriller na kuwento.
Bukod
dito, napansin ko rin ang husay ng may-akda ng The Midnight Murders sa pagsulat
ng kuwentong ito. Maraming bahagi ng istorya ang hindi mo inaasahang
mangyayari, kabilang na ang mga rebelasyong may kinalaman sa mga tauhan—lalo na
kung sino ang tunay na killer. Dahil dito, lubos akong humanga sa galing ng
may-akda sa paglikha ng isang mahusay na storyline at nakakagulat na plot
twist. Sa kabila ng hindi ko pagiging mahilig magbasa, agad nitong nakuha ang
aking atensiyon. Ang paraan ng pagsasalaysay ng may-akda ay puno ng suspense,
kaya't nahirapan akong bitawan ang aklat nang masimulan ko itong basahin. Huli,
ang paggamit ng may-akda ng madilim at nakakabighaning tema sa kuwento ay tiyak
na mag-iiwan sa aming mga mambabasa ng matinding impresyon, lalo na sa mga
mahilig sa ganitong uri ng aklat.